
NI MJ SULLIVAN
Pansamantalang bumaba ang bilang ng naitatalang volcanic earthquake sa paligid ng Kanlaon volcano sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental sa nakalipas na 24-oras na pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, kung noong nakaraang araw ay nakapagtala ng 7 volcanic earthquake sa nasabing bulkan ay ngayong araw ay nasa dalawa lamang na paglindol.
Nananatili naman sa 2003 tonelada ang ibinubugang sulfur dioxide habang ang pagsingaw sa bunganga ng bulkang Kanlaon ay naitala sa 300 metro ang taas at katamtaman ang pagsingaw na napadpad sa hilagang-silangan ng bulkan.
Nakikita pa rin ang pamamaga o ground deformation ng Kanlaon volcano na senyales ng pagiging aktibo nito.
Patuloy ay babala ang Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa itinatakdang 4 km radius permanent danger zone bunsod na inaasahang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.
