Kaligtasan ng mga residente ng Dinalupihan, Bataan sa pagbaha tiniyak ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Tinitiyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kaligtasan ng mga residente ng Bataan laban sa pagbaha pagdating ng tag-ulan.

Ito ay kasunod ng paglalagay ng protective structure sa kahabaan ng tributary creek ng Colo River sa Bataan.

Iniulat ni DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino kina Secretary Manuel M. Bonoan at Undersecretary for Central Luzon Operations Roberto R. Bernardo ang pagkumpleto ng flood control structure na may sukat na 395 metro sa Barangay Colo, bayan ng Dinalupihan.

Ipinatupad ng DPWH Bataan Sub-District Engineering Office (DEO), ang reinforced concrete flood mitigating structure sa magkabilang panig ng Barangay Colo Creek ay itinayo ayon sa mga pamantayan, pinunan at inilatag na mga rebar.

Isinagawa rin ang clearing operations upang alisin ang silt at debris gayundin ang pagwawasto ng grado at elevation ng creek bed bilang bahagi ng proyekto upang bigyang daan ang walang harang na daloy ng tubig patungo sa Colo River.

Ang mga residential area at agricultural lands malapit sa sapa ay inaasahang makikinabang sa bagong proteksiyon na istraktura na natapos sa halagang P47.23 milyon na mula sa 2023 General Appropriations Act (GAA).

Leave a comment