Surigao del Sur at Occidental Mindoro niyanig ng paglindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Surigao del Sur at Occidental Mindoro ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa datos ng Phivolcs, ganap na alas-9:58 ng umaga nang maramdaman ang magnitude 4.3 na lindol sa layong 026 km hilagang silangan ng Cagwait, Surigao del Sur na may lalim na 022 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity II sa lungsod ng Bislig, at lungsod ng Tandag, Surigao del Sur at intensity I sa Marihatag, at Hinatuan ng nasabing probinsya.

Sa instrumental intensity, naitala ang intensity II sa syudad ng Tandag, Surigao del Sur.

Samantala, ala-1:42 ng hapon nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol na ang sentro ay nasa 013 km timog kanluran ng bayan ng Looc, Occidental Mindoro.

May lalim itong 052 km at tectonic ang origin.

Naitala sa instrumental intensity ang intensity I sa Puerto Galera, Occidental Mindoro.

Wala namang naitalang danyos at perhuwisyo ang Phivolcs sa nasabing malakas na paglindol at wala na ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment