11 LGUs tatanggap ng backhoes-on-barge

Ni NOEL ABUEL

Pinangunahan nila Senador Cynthia Villar at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Antonia Yulo-Loyzaga ang pag-turn over ng mga backhoes-on-barge sa 11 local government units (LGUs) sa isang ceremonial event na ginanap sa Villar SIPAG Farm School sa Bacoor City nitong Miyerkules, Mayo 29.

Kabilang sa mga LGUs na tatanggap ng backhoe na nagkakahalaga ng P9.7M bawat isa ay ang mga sumusunod: Bacoor City, Malabon City, Muntinlupa City, bayan ng Obando, Bulacan, Pasay City, Pasig City, bayan ng Pateros, Quezon City, San Fernando City, Pampanga at Taguig City.

Kasamang naging saksi sa seremonya sina DENR Undersecretary Jonas Leones at Department of Public Works and Highway (DPWH) Undersecretary Lorie Malaluan.

Nabatid na ang nasabing kagamitan ay mula sa DENR base na rin sa panawagan ni Villar, na chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food.

Leave a comment