
NI MJ SULLIVAN
Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang low pressure area na nasa labas ng Philippine area of responsibility.
Ayon sa weather advisory ng PAGASA, ang LPA ay makakaapekto sa Hilagang Luzon na magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan.
Samantala, ang Cagayan Valley, Ilocos Norte, Apayao, Abra, Kalinga, at Aurora ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog dahil sa LPA.
Asahan ang posibleng flash floods at landslides dahil inaasahang mahina hanggang sa malakas na pag-ulan.
Habang ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay magkakaroon din ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog dahil sa epekto ng localized thunderstorms na maaaring magdulot ng landslides at flash floods bunsod na malalakas na pagkulog.
