Surigao del Sur niyanig ng malakas na paglindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Surigao del Sur kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa datos ng Phivolcs, ganap na alas-8:12 ng gabi nang maitala ang magnitude 4.9 na lindol na natukoy sa layong 029 km hilagang silangan ng Cagwait, Surigao del Sur.

May lalim itong 023 km at tectonic ang origin.

Naitala sa instrumental intensity ang intensity II sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur.

Samantala, ganap namang ala-1:46 ng hapon nang yanigin din ng paglindol ang Negros Oriental.

Magnitude 4.5 ang naitala sa richer scale na nakita ang sentro sa layong 093 km timog kanluran sa Basay, Negros Oriental ay may lalim ng 040 km at tectonic din ang origin.

Sa hiwalay na datos ng Phivolcs, may naitala ring paglindol sa Davao Oriental sa lakas na magnitude 3.5 ganap na alas-3:23 ng hapon sa layong 042 km timog silangan ng Tarragona, Davao Oriental at may lalim na 018 km at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang danyos ang nasabing mga paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment