14 volcanic earthquakes naitala sa Kanlaon volcano

Ni MJ SULLIVAN

14 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Kanlaon

Nakapagtala ng 14 na volcanic earthquakes ang Kanlaon volcano na senyales ng pagiging abnormal nito, base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa pinakahuling datos ng Phivolcs, nagpapatuloy ang paggalaw sa ibabaw ng bulkan kung san maliban sa mga naitatalang paglindol sa paligid ng Kanlaon volcano, nakapagtala rin ng 1,412 tonelada ng sulfur dioxide flux.

Nagkaroon din ng malakas na pagsingaw sa ibabaw ng bulkan kung saan umabot sa 2,000 metro ang taas nito at napadpad sa hilagang-silangan at timog-kanluran ng bulkan.

Nakita rin ang pamamaga ng bukan o ground deformation na senyales ang pagiging aktibo nito.

Mahigpit na ipinapatupad ng Phivolcs ang pagbabawal sa pagpasok sa 4 kilometrong radius permanent danger zone at pagbabawal sa anumang uri ng eroplano na dumaan malapit sa tuktok ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs, maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions kung kaya’t pinag-iingat ang mga malapit na mga barangay sa Negros Oriental at Negros Occidental.

Nabatid din na pinangangambahan ang pagragasa ng volcanic debris na naipon sa bulkan sa inaasahang pag-ulan sa paligid ng bulkan.

Leave a comment