BI magsasampa ng kaso vs extortionists at nagpakilalang tauhan ng BI

BI Commissioner Norman Tangsingco

Ni NERIO AGUAS

Inihayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na pinag-iisipan ng ahensya na magsampa ng legal na aksyon laban sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang empleyado ng ahensya.

Ito ang sinabi ni Tansingco matapos makatanggap ng impormasyon na iniimbestigahan ng pulisya ang isang Marion Badando dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagkidnap sa apat na dayuhan.

Sinabi ng mga awtoridad na nagpakilala si Badando bilang isang immigration officer at isang abogado, at ngayon ay nananatiling nakalalaya matapos ma-tag bilang bahagi ng sindikato ng kidnapping.

“We have received reports that this individual has been using the name of the Bureau of Immigration to extort foreigners,” sabi ni Tansingco.

“We are studying filing cases against him and his cohorts to serve as a warning not to besmirch the agency’s name,” dagdag pa nito.

Binigyan-diin ni Tansingco ang bigat ng sitwasyon at binanggit na ang mga naturang aksyon ay hindi lamang nakasasama sa mga biktima kundi nakakasira rin sa reputasyon ng BI.

“The integrity of our institution is paramount. We will not tolerate any actions that undermine the trust placed in us by the public and our stakeholders,” giit nito.

Ibinunyag ni Tansingco na sa masusing pagsusuri sa mga talaan ng mga tauhan ng BI ay natuklasang si Badando ay hindi, at hindi kailanman naging isang empleyado ng BI.

“Our internal checks have validated that this person has no official connection with the Bureau, and his claims are entirely fraudulent,” ayon sa BI chief.

Pinayuhan nito ang mga indibidwal na i-verify ang mga kredensyal ng sinumang nagsasabing isang empleyado ng BI sa pamamagitan ng mga official channel.

“We urge the public to remain cautious and to report any suspicious activities to the authorities immediately,” ayon kay Tansingco.

Leave a comment