Oriental Mindoro at Sultan Kudarat nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng paglindol ang ilang lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ganap na alas-7:12 ng umaga nang maitala ang magnitude 2.5 na lindol na naitala sa richer scale na ang sentro sa layong 012 km hilagang silangan ng Puerto Galera, Oriental Mindoro.

May lalim itong 005 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity III sa buong Puerto Galera ng nasabing lalawigan.

Habang sa instrumental intensity ay naitala rin ang intensity III sa Puerto Galera.

Samantala, dakong alas-4:08 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Sultan Kudarat.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 020 km timog kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat at may lalim na 033 km at tectonic din ang origin.

Leave a comment