Sen. Villar sa mga kababaihan: Gamitin at yakapin ang makabagong teknolohiya

Ni NOEL ABUEL

Hinamon ni Senador Cynthia Villar ang mga kababaihan na mahalagang yakapin ang mga technological advancements para ipagpatuloy ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“This is crucial as we face the challenges and seize the opportunities of the digital age,” ani Villar sa 18th Annual General Assembly of the Philippine Federation of Local councils of Women (PFLCW).

“By doing so, we can empower women to become leaders, innovators, and key decision makers in the digital economy,” dagdag pa nito.

Iginiit ng senador na ang ‘gender digital divide’ ang hadlang sa women’s digital empowerment.

Aniya, sa buong mundo, 70 porsiyento ng mga kalalakihan ang gumagamit ng internet kumpara sa 65 porsiyento ng mga babae.

Sa low at middle income countries, sinabi ni Villar na may 15 porsiyento ng mga kababaihan ang hindi gumamit ng mobile internet.

Sinabi rin ni Villar na 24 porsiyento lamang ng mga kababaihan sa buong mundo ang nakatala sa Information and Communication Technology (ICT) courses.

Nagdudulot ito ng kakulangan sa skilled workers.

Sa Pilipinas, sinabi ng senador na mas mataas ito ng konti sa 30-40 porsiyento, subalit hindi pa rin ito sapat.

“We are missing the potential contributions of over half our population in developing a strong digital economy,” ayon kay Villar.

Binigyan diin nito na kailangang agarang matugunan ang “gender equality divide” sapagkat 90% ng mga trabaho ay mangangailan ng digital skills sa 2025.

“We, in the Philippine Senate, continue our commitment to address the challenges and opportunities in the digital world through various laws and bills,” pahayag pa ng senador.

Ang ilan sa mga ito ay ang Republic Act (RA) No. 11293 o Philippine Innovation Act ; RA 11337 o Innovative Startup Act; RA No. 11967 o Philippine Digital Workforce Competitiveness Act o Republic Act No. 11927; RA 11967 o The Internet Transactions Act; RA 11976 o The Ease of Paying Taxes Act, at SB No. 2560 o Anti-Financial Account Scamming Act o ang AFASA.

Leave a comment