Amulung Bypass Road sa Cagayan natapos na ng DPWH

NI NERIO AGUAS

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Amulung Bypass Road, sa lalawigan ng Cayagan para mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nasabing lalawigan.

Ayon sa DPWH, ang nasabing bypass road ay magbibigay sa mga manlalakbay ng alternatibong ruta, na makakatulong para maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa national highway, at mabibigyan ng mabuting karanasan sa pag-commute ang mga commuters sa Amulung, Cagayan.

Sa kanyang ulat kay Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni Regional Director Reynaldo C. Alconcel na ang 11.5-kilometrong Amulung Bypass road ay may apat (4) na lanes na may stone masonry at pipe culverts, isang 13.40-meter carriageway width, 2.50-meter shoulders on bawat panig, at 300-milimetrong makapal na kongkreto, na tinitiyak ang kaligtasan at kaginhawahan para sa mga manlalakbay.

“The newly constructed bypass road provides a convenient and secure route for drivers and passengers to access the nearby towns of Alcala and Gattaran, as well as other municipalities in the surrounding areas of the first and second legislative districts,” sabi ni Alconcel.

Ang bagong bypass road ay magbibigay rin ng mas mabilis at mas maaasahang transportation network na nagpapadali ng mas maayos na karanasan sa pagko-commute para sa mga motorista at pagpapahusay sa kahusayan ng paghahatid ng mga kalakal, partikular na nakikinabang sa sektor ng agrikultura.

Ipinatupad ng Cagayan 3rd District Engineering Office, ang Amulung Bypass Road Project ay natapos sa halagang P246 milyon, na pinondohan sa ilalim ng maraming taon na alokasyon sa 2019 hanggang 2022 General Appropriations Act.

Leave a comment