Bulkang Kanlaon nabawasan ang pagbuga ng sulfur dioxide

Ni MJ SULLIVAN

Pansamantalang nabawasan ang ibinubugang sulfur dioxide ng bulkang Kanlaon at maging ang naitatalang volcanic earthquake sa nakalipas na 24-oras na pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa pinakahuling monitoring ng Phivolcs, nasa 3,304 tonelada ang naitalang sulfux dioxide flux na malayo sa naitalang 4,397 na naitala noong nakalipas na araw ng Linggo.

Nakapagtala naman ng 6 na volcanic earthquakes sa paligid ng bulkan na senyales ng pagiging aktibo nito.

Nakita rin ng Phivolcs ang katamtamang pasingaw at nasa 300 metrong taas ng plume na napadpad sa hilagang-silangan ng bulkan.

Nananatili ring namamaga ang bulkan base ground deformation.

Patuloy ang abiso ng Phivolcs sa mga tao na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 km permanent danger zone at paglipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

May paalala rin ang ahensya na maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.

Hindi naman ibinaba ng Phivolcs ang alert level 2 sa bulkang Kanlaon dahil na rin sa mga naitatalang senyales ng pagiging aktibo nito.

Leave a comment