
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malalakas at magkakasunod na paglindol ang ilang lugar sa Mindanao, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa datos ng Phivolcs, ganap na alas-9:44 ngayong umaga nang yanigin ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 194 km timog silangan ng Balut Island, bayan ng Sarangani, ng nasabing probinsya at may lalim na 067 km at tectonic ang origin.
Samantala, alas-12:09 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa layong 006 km hilagang kanluran ng Carrascal, Surigao del Sur.
May lalim itong 013 km at tectonic din ang origin.
Ganap namang alas-7:48 ng umaga nang isa pang paglindol na may lakas na magnitude 3.4 ang naitala sa layong 009 km hilagang silangan ng Maragusan, Davao de Oro at may lalim lang na 002 km.
Naitala sa instrumental intensity ay intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro kung saan wala namang inulat na naging epekto ang nasabing lindol.
Alas-7:34 kagabi naman nang maramdaman ang magnitude 3.5 na lindol sa layong 009 km hilagang silangan ng Malungon, Sarangani
Naitala sa instrumental intensity ang intensity I sa Malungon, Sarangani.
