PBBM at Speaker Romualdez namahagi ng 17 solar pumps sa Isabela farmers

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr., kasama sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Deputy Speaker Antonio “Tonypet” Albano, Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos lll, Gov. Rodito Albano, National Irrigation Administration Administrator Engr. Eduardo Guillen, Vice Gov. Bojie Dy, at Quirino Mayor Edward Juan at iba pang opisyal ng gobyerno, ay nakiisa sa groupie photo kasama ang mga magsasaka sa inagurasyon ng bagong Cabaruan Solar-Powered Pump Irrigation Project sa Barangay Cabaruan Quirino, Isabela.

Ni NOEL ABUEL

Namahagi ng tulong sa mga magsasaka ng palay at mais sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para maasistehan ang mga ito.

Partikular na ibinigay nina Marcos at Romualdez ang 17 solar pumps na makakatulong sa daan-daang magsasaka na patubigan ang kanilang mga sakahan sa Isabela, isa sa mga pangunahing probinsya ng bansa na gumagawa ng palay at mais.

Kasama na namahagi ng tulong ang National Irrigation Administration (NIA) at Isabela local government officials sa pangunguna ni Gov. Rodito Albano, na sinamahan si Marcos, Jr. sa inagurasyon ng isang malaking solar pump project sa parehong lugar.

Sinabi ng pinuno ng 300 kongresista na ang irigasyon ay isang pangunahing bahay sa paggawa ng palay, mais at iba pang produktong agrikultural hindi lamang sa Isabela kundi sa iba pang bahagi ng bansa.

“We have to help our farmers with irrigation and other farm inputs like fertilizer and seeds so they can increase their produce. They should aim to double it,” sabi nito

Aniya, sa kaso ng mga magsasaka ng palay at mais na umaasa sa tubig-ulan para sa irigasyon, ang mga solar pump ay makakatulong para makapagtanim ng karagdagang pananim.

“This means that they can have at least two crops a year. That’s double their harvest if they plant their crop only during the rainy days, which is really the case in farming areas that do not have irrigation,” ayon pa dito.

Ang solar pumps ay bahagi ng proyekto ng NIA para mapalawig ang mga irrigated areas sa bansa base sa nais ni Pangulong Marcos na pabutihin an agricultural production partikular ang bigas.

Sinabi pa ni Romualdez na kung madodoble ng mga magsasaka ang kanilang ani gamit ang solar pumps, mapapabilis nito ang katuparan ng layunin ni Pangulong Marcos na makamit ng bansa ang food self-sufficiency at seguridad.

“That would also ease rice and food inflation, resulting in lower prices for the staple and other agricultural products for the benefit of all Filipinos,” sabi nito.

Sinabi pa ni Romualdez na magmumungkahi ito ng karagdagang pondo para sa solar-powered irrigation pumps sa mga unirrigated farming community kapag isinasaalang-alang ng Kamara ang taunang pambansang badyet.

“That’s the only way we can bring irrigation to these areas,” aniya pa.

Leave a comment