
Ni RHENZ SALONGA
Tuluyan nang nalusaw ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheri, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa weather advisory ng PAGASA, tanging epekto na lamang ng easterlies ang makakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang Bicol region, Eastern Visayas, Caraga at Davao region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan dahil sa easterlies kung saan posible ang pagkakaroon ng flash floods o landslides dahil sa inasahang malakas na pag-ualn.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay may maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog dahil sa epekto ng localized thunderstorms.
Wala namang nakikitang panibagong sama ng panahon ang PAGASA kung kaya’t asahan ang maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng bansa.
