
Ni NOEL ABUEL
Isinusulong ng isang kongresista ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa at malaking multa sa mga dayuhan na mapapatunayang illegal na nagtatrabaho sa bansa.
Nais ni Bicol Saro party list Rep. Brian Raymund Yamsuan na ang mga dayuhang nagtatrabaho ng ilegal sa bansa ay magdusa ng mas matinding parusa, kabilang ang pagkakulong ng hanggang anim na taon at malaking pagtaas sa multang ipinataw sa kanila–mula sa kasalukuyang P10,000 hanggang P50,000 sa bawat taon ng labag sa batas na pagtatrabaho.
Sa inihain nitong House Bill (HB) 1279, na naglalaman ng mga mahihirap na probisyon laban sa iligal na pagtatrabaho ng mga dayuhan, kasunod ng pag-aresto noong nakaraang linggo sa 37 Chinese nationals dahil sa umano’y pagpapatakbo ng mga ipinagbabawal na retail at restaurant operations sa Parañaque City.
Naghain din ng resolusyon ang mga senador na humihiling ng imbestigasyon sa mga reklamo ng ilang Multinational Village owners sa Barangay Moonwalk ng lungsod tungkol sa pagdagsa sa kanilang subdibisyon ng mga Chinese nationals na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Inaresto rin ng mga awtoridad ang 10 Chinese nationals noong Mayo 2, sa Multinational Village dahil sa umano’y human trafficking.
“We certainly welcome foreign nationals in our country if they have valid employment permits (EPs) and if they do not compete with our equally, and at most times better, skilled workforce. But we should draw the line when it comes to foreigners who not only work here illegally, but also pose a threat to the peace and order in our communities,” sabi ni Yamsuan, na co-authored ng HB 1279.
Sinabi ni Yamsuan na ang kasalukuyang P10,000 na multa na ipinapataw sa mga dayuhan na makikitang iligal na nagtatrabaho sa bansa ay masyadong maliit at dapat itaas sa P50,000 para sa bawat taon o isang bahagi nito ng patuloy na paglabag gaya ng iminungkahi sa ilalim ng panukalang batas.
Sa ilalim ng HB 1279, ang mga hindi residenteng dayuhan na nakakuha ng EPs ngunit piniling lumipat sa ibang trabaho o employer nang walang abiso at pag-apruba ng, kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE), ay papatawan ng multang mula P50,000 hanggang P100,000.
Samantala sinumang employer o sinuman sa kanyang awtorisadong kinatawan na mapatunayang kumuha ng mga hindi residenteng dayuhan para iligal na magtrabaho sa bansa ay pagmumultahin mula P100,000 hanggang P200,000 sa ilalim ng panukalang batas.
“In all cases, the fines imposed herein shall be without prejudice to other administrative, civil or criminal liability that may incur by reason of such act or omission,” ayon sa panukala.
