Palawan niyanig ng malakas na paglindol

Ni MJ SULLIVAN

Nabalot ng pangamba ang ilang residente sa lalawigan ng Palawan makaraang yanigin ng malakas na paglindol ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa datos ng Phivolcs, magnitude 5.1 ang naitala sa richer scale dakong alas-2:58 ng hapon na ang sentro ay nasa layong 091 km timog silangan ng Roxas, Palawan.

May lalim itong 026 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity III sa Roxas, Palawan at intensity I naman sa Cuyo at Narra, Palawan.

Wala pang ulat kung may naapektuhan sa nasabing malakas na paglindol at wala namang inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Samantala, alas-11:18 kagabi nang yanigin din ang Sarangani Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

Magnitude 4.3 ang naitalang lindol at may lalim na 016 km at tectonic din ang origin.

Sa kabilang banda, ganap na alas-3:53 ng madaling-araw nang muling yanigin ng magnitude 3.9 na lindol ang Balut Island sa bayan pa rin ng Sarangani, Davao Occidental.

Leave a comment