Magna Carta of Waste Workers bill inihain sa Senado

Senador Loren Legarda

Ni NOEL ABUEL

Naghain si Senador Loren Legarda ng panukalang batas na naglalayong gawing i-standardized ang kondisyon sa pagtatrabaho para sa mga manggagawa sa basura, na kritikal ang papel sa kalusugan ng publiko at pagpapanatili ng kapaligiran.

Sa inihain nitong Senate Bill No. (SBN) 2636, o mas kilalang Magna Carta of Waste Workers Act, nais nitong mabigyan ng pagpapahalaga ang mga waste workers sa buong bansa.

“The State should finally recognize the pivotal role our waste workers provide to everybody in the country, at the risk at their own lives, to properly dispose tons of waste our countrymen produce every day,” ani Legarda.

“Despite their essential role, a large majority face numerous challenges to their well-being, including low wages, lack of job security, and exposure to hazardous materials, as well as undue discrimination and stigma due to the line of their work,” dagdag nito.

“We need to provide comprehensive legislation for them to protect their rights, improve working conditions, and integrate them into formal waste management systems,” aniya pa.

Sa ilalim ng iminungkahing batas, ang mga manggagawa sa basura ay ikinategorya bilang formal, na tumutukoy sa mga nagtatrabaho sa gobyerno, pribadong kumpanya o kooperatiba, o impormal, na tumutukoy sa mga namumulot ng basura o basurero.

Kabilang sa mga karapatan na ibibigay sa mga waste workers ay ang representasyon sa Solid Waste Management Board ng local government unit, gayundin ang coverage sa GSIS at SSS, at hazard pay.

Gayundin ang annual medical exams ay dapat na ibigay ng mga employers, at pagkakaroon ng personal protective equipment, bakuna at iba pang prophylaxis tulad ng tetanus shots.

Ang mga manggagawa sa basura ay dapat ding bigyan ng access sa mga komprehensibong serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ng isang health maintenance organization (HMO), kabilang ang pagpapaospital at regular na medical check-ups.

Iminumungkahi rin ng panukalang batas na ang mga manggagawa sa basura ay hindi dapat magtrabaho ng higit sa walong oras, at ang labis na oras ay babayaran ng overtime at holiday pay, batay sa kasalukuyang mga alituntunin.

Sa sandaling maging batas, sinumang magdidiskrimina sa mga manggagawa sa basura ay papatawan ng arresto mayor at pagmumultahin ng P50,000 hanggang P150,000.

Samantala, ang mga LGU waste workers ay ikokonsodera bilang target beneficiaries ng socialized housing projects.

“Given the significant contributions and vulnerabilities of our waste workers, there is a pressing need for a Magna Carta or comprehensive legislation to protect their rights and improve their working conditions,” sabi ni Legarda.

Leave a comment