Palawan at Cayagan nilindol

NI MJ SULLIVAN

Kapwa niyanig ng paglindol ang Palawan at Cagayan ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ganap na alas-3:00 ngayong hapon nang yanigin ng magnitude 4.2 na lindol ang Palawan na ang sentro ay nakitang nasa layong 038 km hilagang silangan ng Coron.

May lalim itong 010 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity IV sa Coron, Palawan.

Wala namang naitalang danyos ang Phivolcs sa nasabing malakas na paglindol.

Samantala, alas-9:48 ng umaga nang yanigin ng magnitude 4.3 na lindol ang Cagayan.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 011 km hilagang silangan ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan at may lalim na 015 km at tectonic din ang origin.

Naitala ang intensity III sa Calayan, Cagayan at intensity I sa Burgos, Ilocos Norte.

Wala ring naitalang danyos ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment