BI nagpadala ng dagdag na tauhan sa MCIA

Ni NERIO AGUAS

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) ang paglalagay ng mga bagong makinarya at tauhan upang suportahan ang inisyatiba ng Cebu Connect sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Sa pakikipagtulungan sa Aboitiz GMR-Megawide Cebu Airport Corporation (AGMCAC), ang BI ay nagtalaga ng mga tauhan nito upang tumulong sa pagbabago ng MCIA sa isang pangunahing transit hub sa Southeast Asia.

Ang Cebu Connect project na sinimulan noong Hunyo 19 ay naglalayon na pahusayin ang sistema ng paglilipat ng serbisyo ng paliparan, na ginagawang mas mahusay at maayos ang mga koneksyon para sa mga pasahero.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng isang mas malaking pananaw na iposisyon ang Cebu bilang isang perpektong entry point para sa domestic at international travelers.

“The BI is committed to supporting Cebu Connect by providing advanced resources and skilled personnel. This partnership will significantly improve passenger processing times and enhance overall airport security,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Bilang bahagi ng Cebu Connect initiative,ang bagong bahagi ng terminal ng MCIA ang binuksan upang magbigay ng pinabilis na imigrasyon services para sa mga pasaherong bumibiyahe.

“We are proud to contribute to the development of MCIA as a leading transit hub. Our efforts are aligned with the airport authorities’ goals of reducing layover times and offering a seamless travel experience. This partnership underscores our dedication to improving public service and national security,” sabi ni Tansingco.

Sa MCIA traffic data, nagpapakita ng isang makabuluhang pagtaas sa bilang ng mga pasahero, na nagpapahiwatig ng matatag na paglago sa domestic at international travel.

Leave a comment