Pinay pilgrimage nasawi sa init ng panahon sa Hajj

Ni NEILL ANTONIO

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pinay ang kabilang sa 900 katao na nasawi sa matinding init ng panahon kasabay ng Hajj pilgrimage.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega ang di pinangalanang Pinay ay nakabase sa Riyadh, Saudi Arabia na agad na inilibing.

“So far, only one female Riyadh-based Filipino pilgrim died of natural causes (heatstroke) in Makkah,” said sabi ni De Vega

Kaugnay nito, nagpadala na ang DFA ng mga tauhan nito sa Saudi Arabia para tumulong sa Philippine Embassy sa pagmonitor at pagtulong sa mga Filipino pilgrims na dumalo sa Hajj pilgrims.

Sa kasalukuyan, nasa 5,100 Filipino pilgrims ngayong taon.

Base sa pinakahuling ulat ng Agence France-Presse, umakyat na 922 ang nasawi na karamihan ay dahil sa sunstroke dulot ng matinding init na umabot ang temperatura sa 51.8 degrees Celsius sa Mecca.

Leave a comment