Iloilo, Ilocos Norte at Surigao del Sur nilindol

Ni MJ SULLIVAN

Nilindol ang ilang lugar sa probinsya ng Iloilo, Ilocos Norte at Surigao del Sur sa magkahiwalay na oras ngayong araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-9:50 ng umaga nang maramdaman ang magnitude 4 sa Richer scale sa Maasin, Iloilo.

May lalim itong 024 km at tectonic ang origin.

Naitala sa instrumental intensity ang intensity I sa Tapaz, Capiz.

Ganap namang alas-3:26 ng madaling-araw nang yanigin ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Bangui, Ilocos Norte na nasa 001 km at lalim at tectonic ang origin.

Naitala sa instrumental intensity ang intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Alas-6:35 naman ng umaga nang yanigin din ng magnitude 4.2 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur na may lalim na 004 km at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, ang nasabing paglindol ay aftershock ng magnitude 7.4 na tumama sa nasabing probinsya noong Disyembre 2023.

Leave a comment