Pagbibitiw ni VP Duterte sa DepEd para protektahan ang Pilipino — Sen. Padilla

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla na ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) ay para protektahan ang interes ng mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni Padilla na nagsabing naniniwala itong nais ni VP Duterte na tiyaking hindi maaapektuhan ng diumano’y hidwaan ng kanyang pamilya at ang pamilya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bayan.

“Nakikita ko as a leader, kumbaga oops, hindi dapat maapektuhan ang interest ng Pilipino sa personal, kung meron mang hidwaan sa dalawang pamilya,” aniya.

Dagdag ni Padilla, hindi ito nabigla sa pagbibitiw ni VP Duterte sa DepEd.

“Sa pagkakilala ko kay Inday, kay VP Sara, inaantay ko na yan,” aniya pa.

Aniya, suportado nito ang Bise Presidente dahil sinuportahan ito nang tumakbo para sa Senado sa ilalim ng UniTeam.

“Hindi dapat maapektuhan ang taumbayan at nakita ko ‘yan ang ginawa ni Maam VP. ‘Yan ang nakita ko para okay ang bansa natin,” ayon pa dito.

Leave a comment