Bagong LPA binabantayan ng PAGASA

NI RHENZ SALONGA

Isang panibagong low pressure area ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 235 km silangan ng General Santos City na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITZC) na makakaapekto sa Mindanao kung saan magiging maulap at may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.

Inaasahan na paiigtingin nito ang habagat na mararanasan sa buong bansa.

Ang Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Quirino, Aurora, at Quezon ay magiging maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat dahil sa epekto ng habagat.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog dahil din sa habagat na posibleng magdulot ng flash floods o landslides.

Leave a comment