Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.7

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro na naramdaman ang lakas hanggang Metro Manila.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-9:53 ngayong umaga nang tumama ang magnitude 4.7 na lindol na natukoy ang sentro sa layong 037 km timog kanluran ng Paluan, Occidental Mindoro.

May lalim itong 033 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity II sa lungsod ng Tagaytay, Alfonso, at Mendez, sa Cavite; at Mabini, Batangas habang intensity I naman ang naramdaman sa lungsod ng Maynila, Navotas City at Amadeo, Cavite.

Samantala sa instrumental intensity, naitala ang intensity III sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Mamburao, Occidental Mindoro.

Intensity II sa lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro; Abra de Ilog, Occidental Mindoro; at syudad ng Tagaytay, Cavite at intensity I sa San Jose, Occidental Mindoro; Calatagan, Batangas; at syudad ng Navotas.

Inaalam pa kung may naging danyos ang nasabing malakas na paglindol at wala namang inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment