
Ni NOEL ABUEL
Iginiit ni Senador Grace Poe ang 24/7 at araw at gabing operasyon sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno upang maiwasan ang pag-aaksaya ng pondo at mapabilis ang paghahatid ng benepisyo sa taumbayan.
Sa inihain nitong Senate Bill No. 2716 o ang Accelerated Infrastructure Delivery Act layon nito na magkaroon ng round-the-clock work sa mga priority projects na pinondohan ng national government, local government units (LGUs), at government-owned and controlled corporations (GOCCs) partikular ang mga sangkot sa hard infrastructure tulad ng konstruksyo, repair, and maintenance ng mga kalsada at tulay.
“By working tirelessly, day and night, we will expedite the completion of critical infrastructure projects, reducing delays and as a result, accelerating benefits to our communities,” sabi ni Poe.
“The measure will also ensure that our country will not incur any more penalties and purchase construction materials at terribly inflated prices due to such delays,” dagdag pa ng chairperson ng Senate finance committee.
Tinukoy ng panukalang batas na noong 2017 pa lamang, ang gobyerno ng Pilipinas ay kinakailangang magbayad ng kabuuang P230.17 milyon bilang multa at commitment fees dahil hindi nasunod ng ilan sa mga pambansang ahensya ang construction timeline ng mga proyektong pang-imprastraktura.
Bukod dito, ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga pagkaantala sa pagtatayo ng imprastraktura ay nangangailangan ng mas mataas na gastos bilang resulta ng pagtaas ng mga presyo at kakulangan ng mga kinakailangang materyales.
Sinabi ni Poe na panahon na para sa mga policymakers na makialam at pigilan ang hindi nararapat at hindi nararapat na mga pagkaantala na mangyari.
“The millions of pesos that we will save through this proposed law can instead be reallocated to the government’s public services programs where they can make the most difference,” ayon pa kay Poe.
