Bulkang Kanlaon nakapagtala ng 4 volcanic quakes

Ni MJ SULLIVAN

Nakapagtala ng apat na volcanic earthquakes ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bulkang Kanlaon sa loob ng 24-oras na pagbabantay dito.

Ayon sa Phivolcs, maliban sa pagyanig sa paligid ng bulkan, nakapagtala rin ng 3,007 tonelada ng sulfur dioxide flux at 500 metrong taas ng pagbuga ng katamtamang pagsingaw na napadpad sa kanluran-timog-kanluran ng bulkan.

Nakita rin ng mga siyentipiko ang pamamaga ng bulkan o ground deformation na senyales ng posibleng pag-aalboroto nito.

Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin sa Alert level 2 kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 km permanent danger zone at paglipad ng anumang uri ng sasakyang panghimpapawid.

Leave a comment