ITCZ at easterlies asahang magpapaulan sa buong bansa

Ni RHENZ SALONGA

Kapwa apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies ang ilang bahagi ng bansa na magdudulot ng pag-ulan.

Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang ITCZ ay makakaapekto sa Palawan at southern Mindanao habang ang habagat ay apektado ang silangang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ang Zamboanga Peninsula, Sarangani, Sultan Kudarat, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at Palawan ay makakaranas ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog dulot ng ITCZ at posibleng magdulot ng flash floods o landslides.

Habang ang Eastern Visayas, Bicol region, Quezon at Aurora ay magkakaroon din ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog dulot ng easterlies at maaaring magdulot ng flash floods o landslides lalo na sa malalakas na pag-ulan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaasa na magiging maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog dahil naman sa epekto ng localized thunderstorms.

Leave a comment