
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Pangasinan at Davao Occidental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ganap na alas-5:41 ngayong hapon nang tumama ang magnitude 3.7 na lindol na natukoy ang sentro sa layong 006 km timog silangan ng Anda, Pangasinan.
May lalim itong 031 km at tectonic ang origin at naitala sa instrumental intensity ang intensity I sa Bani, Pangasinan.
Samantala, dalawang magkasunod na paglindol ang naitala sa Davao Occidental.
Unang naitala ang magnitude 4.5 na lindol dakong alas-11:01 ng umaga na natukoy ang sentro sa Balut Island sa bayan ng Sarangani ng nasabing lalawigan.
May lalim itong 032 km at tectonic din ang origin.
Ganap na alas-11:30 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.7 na natukoy ang sentro nasabi ring bayan
May lalim itong 036 km at tectonic din ang origin.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing magkakasunod na paglindol at wala na ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
