


Ni NOEL ABUEL
Mahigit sa 2,000 ama ng tahanan mula sa 20 barangay ng Las Piñas City ang lumahok sa fun run na itinaguyod Villar Foundation na pinangunahan nina Senador Cynthia Villar at House Deputy Speaker Camille Villar.
Nagpakitang gilas ang mga ama sa pagtatangkang mauna sa 2.2 kilometer fun run na bahagi ng punung-puno ng kasiyahang post-Fathers’ Day celebration.
Ginanap sa Villar Island Las Piñas-Bacoor ang okasyon na tinaguriang “Las Piñas Fun Run for Father (Para kay Tatay), na handog sa masisipag at mapagmahal na ama.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Sen. Cynthia ang mahalagang papel ng mga ama bilang haligi ng tahanan ng isang pamilya.
“So that the Fathers’ Day is an occasion to show love to our “Itay, Papa and Daddies’ for their sacrifices and struggles. for their unconditional love, protection and security given to their family,” giit ng senador.
Aniya, pagkakataon din ito upang iparamdam sa kanila na “very much appreciated at loved” sila.
Masaya rin si senador na maraming ama ang conscious sa kanilang fitness at kalusugan.
“I was overjoyed that they joined our Fun “Farm” Run,” sabi pa niya.
Game na game na sumali rin ang mga tatay sa Group Sing at Dance Competition na ikinamangha ng mga Villar.
“I salute all your great performances. You were surely inspired and did your best because of the support from your family members, friends and ka-barangay,” dagdag pa nito.
Ipinagdiwang ang Fathers’ Day noong Hunyo 16 sa taong ito dahil idinadaos ito sa ikatlong linggo ng Hunyo.
Ipinasya ni Villar na ganapin ito noong June 30 na linggo dahil nasa “relax mode” ang mga ama.
