Sen. Angara nagpasalamat sa suporta bilang susunod na DepEd secretary

Ni NOEL ABUEL

Nagpasalamat si Senador Sonny Angara sa mga kapwa nito senador at sa mga taong naniniwalang dapat itong maupo bilang susunod na kalihim ng Department of Education (Depend).

Nabatid na si Angara ang lumulutang at sinasabing uupo bilang kapalit ni Vice President Sara Duterte sa DepEd matapos ang termino ng senador.

Sa ambush interview, sinabi ni Angara na bagama’t wala pa namang sinasabi ng Malacañang na ito ang magiging kalihim ng Depend.

Aniya, kailangan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng oras para makapili ng nababagay at napupusuan nito para sa naturang posisyon.

Partikular na pinasalamat si Angara sina Senate President Chiz Escudero, dating Senate President Juan Miguel Zubiri, Senador Sherwin Gatchalian, Senador JV Ejercito, dating Senate Majority Leader Joel Villanueva sa kanilang vote of confidence.

Nang usisain kung ano ang posibleng isaayos nito sa Depend kung mauupong Depend secretary ay ang reporma sa edukasyon tulad ng kalidad ng edukasyon, mga tinatawag na resource gaps o yaong pagkukulang sa mga classrooms, mga silid-aralan, sa textbooks.

“I think medyo premature and improper to talk about, but definitely the next DepEd secretary kailangan mga reporma sa edukasyon tulad ng ‘yung kalidad edukasyon, ‘yung tinatawag na resource gaps o ‘yung pagkukulang sa mga silid-aralan, sa textbooks, maraming kailangang bigyan ng lunas talaga,” pahayag pa ni Angara.

Sinabi pa ng senador na sakaling ialok ni Pangulong Marcos ang posisyon ay imposibleng tanggihan aniya nito.

“Baka imposibleng tanggihan ‘yun kapag inalok,” sabi nito.

Leave a comment