
Ni NOEL ABUEL
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda sa Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan bilang isang “crucial moment for enhanced defense cooperation” sa gitna ng mga hamon sa rehiyon.
Ang nasabing mahalagang kasunduan ay nagpapahintulot sa pinalawak na partisipasyon ng mga Japanese forces sa military exercises tulad ng “Balikatan” drills sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, na nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang pasulong sa mga pagsisikap sa panseguridad sa rehiyon.
Binigyan diin ni Romualdez ang kahalagahan ng RAA sa pagpapahusay ng mga kakayahan sa pagtatanggol sa isa’t isa at pagpapatibay ng mas malalim na estratehikong ugnayan sa pagitan ng Manila at Tokyo.
“The signing of the RAA signifies a crucial moment in Philippine-Japan relations, heralding a new era of strengthened defense cooperation amid evolving regional geopolitical challenges,” sabi ni Romualdez.
“The RAA highlights our shared commitment to regional stability and security, strengthening our defense capabilities, and reaffirming the Philippines’ strategic partnership with Japan,” dagdag pa nito.
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang mga pangunahing opisyal ng gobyerno mula sa dalawang bansa, ang seremonyal na paglagda ng RAA ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Japanese Defense Minister Kihara Minoru sa Malacañang noong Lunes.
Ang RAA ay nag-ugat sa mga pangakong ginawa sa kauna-unahang PH-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting noong unang bahagi ng taong ito, na nagpapakita ng sama-samang pagsisikap na palalimin ang kooperasyon sa defense and security matters.
Ang pormal na negosasyon na sinimulan ng Tokyo noong buwan ng Nobyembre sa ilalim ng pamumumo ng Department of National Defense (DND), na sinuportahan pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) at and Department of Justice (DOJ).
“This agreement reflects our shared values of peace, stability, and prosperity in the region. It underscores the Philippines’ proactive approach in addressing security challenges and promoting a rules-based international order,” ayon sa House chief.
