Michael Yang pinaaaresto ng Kamara

Rep. Robert Ace Barbers

Ni NOEL ABUEL

Pinaaaresto ng House Committee on Dangerous Drugs ang negosyanteng si Michael Yang dahil sa patuloy na pang-iisnab nito sa pagdinig hinggil s P3.6 bilyong drug bust sa Mexico, Pampanga noong nakaraang taon.

Si Yang, ang political adviser ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ay isinasangkot bilang incorporator ng Empire 999 Realty Corp., na nagmamay-ari ng warehouse sa Mexico, Pampanga kung saan nakumpiska ang P3.6 bilyong halaga ng shabu.

Ang komite, na pinamumunuan ng Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ay nagpataw ng 30-araw na pagpiit sa Bicutan Jail sa Taguig City kay Yang, na ang huling bumiyahe mula sa Maynila patungong Dubai noong Mayo 12, 2024.

Nagdesisyon ang mga kongresista na patawan ng contempt si Yang dahil sa pagtuloy na hindi pagpansin sa mga imbitasyon ng komite at ang subpoena na inilabas noong Hunyo 24.

“Since he is not present, pursuant to our rules on Section 11, if I may read, the Committee may punish any person for contempt by a vote of two-thirds of the members present,” sabi ni Barbers.

“Citing the violation committed by Mr. Michael Yang under Section 11, Paragraph A, for refusing without legal excuse to obey summons and invitations, there is a motion to cite Mr. Michael Yang in contempt. The motion is duly seconded, and hearing no objection, the Committee is now citing Mr. Michael Yang in contempt,” dagdag pa nito.

Upang ipatupad ang warrant of arrest, inatasan ang committee secretary na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP), ang sergeant-at-arms ng Kamara, ang National Bureau of Investigation, at iba pang mga ahensya.

“The committee’s secretary is therefore tasked to coordinate with the PNP, the Sergeant-at-Arms, the NBI, and all other law enforcement units to effect the arrest so that they can be brought here to face this investigation in aid of legislation,” ayon kay Barbers.

Si Yang ay inimbitahan sa pagdinig matapos sabihin ni Lincoln Ong, isang opisyal at isang diumano’y kasama ni Yang, bilang incorporator ng kumpanya na may kaugnayan sa Empire 999 at iba pang mga kumpanya.

Ayon kay Barbers, ang testimonya ni Yang ay itinuturing na napakahalaga sa pagtuklas l ng komplikadong web ng mga aktibidad na iligal na droga na nag-uugnay sa Empire 999.

Sa pagdinig, narinig ng komite ang patotoo ng dating pulis na si Pol. Col. Eduardo Acierto, na nakilala ang parehong indibidwal na na-flag niya noong 2017 sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Leave a comment