
Ni MJ SULLIVAN
Nakapagtala ng 10 paglindol sa paligid ng bulkang Bulusan na senyales na may paggalaw sa bunganga ng bulkan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa monitoring ng Phivolcs, maliban sa 10 volcanic earthquakes, nakapagtala rin ng pagbuga ng sulfur dioxide flux ng 31 tonelada kada araw mula Hunyo 21.
Mayroon ding pagsingaw o plume na nasa 150 metrong pagtaas at katamtamang pagsingaw na napadpad sa kanluran-timog-kanlurang bahagi ng bulkan at may ground deformation na senyales na may pamamaga ng bulkan.
Patuloy na nakataas ang Alert Level 1 sa Bulusan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4km radius permanent danger zone at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km extended danger zone sa bahagi ng timog-silangan.
