Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 7.1 na lindol

Ni MJ SULLIVAN

Nabulabog ang ilang lugar sa Mindanao matapos yanigin ng malakas na paglindol ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Alas-10:13 ng umaga nang tumama ang magnitude 7.1 na lindol na nakita ang sentro sa layong 133 km timog kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat at may lalim na 722 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity IV sa Jose Abad Santos, Davao Occidental habang intensity III naman sa lungsod ng Mati, Davao Oriental at sa Glan, Sarangani.

Intensity II naman sa Maragusan, Davao de Oro; lungsod ng Tagum, Davao del Norte; Libungan, at Tulunan, Cotabato; Kiamba, Maitum, at Malapatan, Sarangani; lungsod ng Koronadal, South Cotabato; lungsod ng General Santos.

Naramdaman din ang intensity I sa lungsod ng Davao; Tantangan, South Cotabato; Lebak, Sultan Kudarat.

Sa instrumental intensities ay naitala ang intensity III sa Don Marcelino, at Jose Abad Santos, Davao Occidental; Glan, at Malungon, Sarangani at Intensity II sa lungsod ng Tagum, Davao del Norte; lungsod ng Digos, Davao del Sur; Matalam, Cotabato at lungsod ng Cotabato.

Intensity I naman sa Nabunturan, Davao de Oro; lungsod ng Davao; lungsod ng Kidapawan, Cotabato; Maitum, Sarangani; T’Boli, at Tampakan, South Cotabato; Bagumbayan, Esperanza, Isulan, Kalamansig, Lambayong, at Lebak, Sultan Kudarat; lungsod ng Bislig, Surigao del Sur.

Inaalam pa ng Phivolcs kung ano ang naging danyos ng nasabing malakas na paglindol at inaasahan pa ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment