
Ni NOEL ABUEL
Sinuportahan ni House chairman ng labor and employment committee at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa ideya ng pagpapakilala ng mga maiikling kurso para mapahusay ang kakayahang magtrabaho ng mga nagtapos ng K to 12.
“Any project that would give a leg up to our graduates so they can find jobs as soon as possible is welcome,” ani Nograles.
Ang panukala ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Marcos na sampung taon matapos ang pagpapatupad ng K to 12 program, hindi nito nakamit ang layunin nitong mapabuti ang employability ng mga nagsipagtapos sa bansa.
Sinabi rin ni Marcos na tinalakay nito ang ideya ng pagbibigay ng mga mini-courses na tatlo hanggang anim na buwan, o kahit isang taong kurso para kay incoming Department of Education (DepEd) Secretary at Senador Sonny Angara.
“Syempre, hindi naman tayo nag-o-operate sa isang vacuum. Kaya kailangan talaga magtulungan ang private sector at pamahalaan para masiguro na angkop ang mga short courses sa mga pangangailangan sa iba’t ibang industriya,” ayon sa kongresista.
Ikinatuwa rin ni Nograles bilang magandang balita ang resulta ng Philippine Business for Education (PBEd) 2024 Jobs Outlook Study, na nagpakita na apat sa limang employers o 86.6 porsiyento ng mga employers sa Pilipinas ang handang kumuha ng mga K-12 graduates, habang 13.4 porsiyento ng mga employers ay hindi interesado sa pagkuha sa kanila.
Ibinunyag din nito na 88 porsiyento ng micro, medium, and small enterprises (MSMEs) at 78 porsiyento ng malalaking kumpanya ang nakahandang kumuha ng mga K-12 graduates.
Sinabi rin ng PBEd na porsiyento ng MSMEs at porsiyento ng malalaking kumpanya ay may mga K-12 graduates bilang empleyado.
“The survey results mean that the door is not closed for K to 12 graduates to find jobs. Rather, it’s a matter of increasing the numbers, which I am optimistic we can achieve with the proper interventions,” sabi ni Nograles.
