
Ni NERIO AGUAS
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang14 Nigerian nationals na pinaghihinalaang sangkot sa love scams, online scamming, at credit card fraud.
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., unang tinarget nito ang dalawang Nigerian nationals na sina Godswill Nnamdi Chukwu, 32-anyos at Justin Chimezie Obi, 30-anyos,
Ngunit nang isagawa ang pagsalakay, naaresto din ang 12 pang Nigerians sa isang lugar sa Las Piñas City.
Sinabi ni Manahan na ang pagkakahuli ay batay sa credible intelligence na nag-uugnay sa mga suspek sa maraming panloloko.
“Our intelligence division has been closely monitoring these individuals. They were reportedly involved in love scams, online scamming, and credit card fraud,” ayon kay Manahan.
Base sa record ng BI, ang lahat ng 14 Nigerians ay natuklasang mga overstaying na sa bansa kung kaya’t agad na inaresto.
Binigyan-diin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang kahalagahan ng mga pag-aresto na ito sa pagprotekta sa bansa mula sa mga dayuhang gumagawa ng illegal na gawain.
“These arrests underscore our commitment to safeguarding our nation’s security and maintaining the integrity of our immigration laws. We will continue to work tirelessly to bring violators to justice,” sabi ni Tansingco.
Patuloy na hinihimok ng BI ang publiko na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad ng mga dayuhan para makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng Pilipinas.
“We rely on the cooperation of the public to help us in our mission to protect our nation from those who seek to exploit and defraud,” ayon pa sa BI chief.
