Cotabato nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Cotabato at kalapit-lugar nito ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong ala-1:22 ng hapon nang maitala ang magnitude 3.9 na lindol na natukoy ang sentro sa layong 014 km timog silangan ng M’lang ng nasabing probinsya.

May lalim itong 005 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity III sa M’lang, Cotabato habang intensity II sa lungsod ng Kidapawan, Tulunan, Makilala, Magpet, at Kabacan, Cotabato at intensity I sa Pikit at Antipas, sa nasabi ring lugar.

Naitala rin sa instrumental intensities ang intensity III sa M’lang, Cotabato at intensity II sa lungsod ng Digos at Magsaysay, Davao del Sur; Magpet, Cotabato.

Intensity I naman ang naitala sa Malungon, Sarangani at Pikit, Cotabato.

Wala pang danyos na naitatala ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment