Detention room para kay Alice Guo at mga kapatid handa na

Ni NOEL ABUEL

Handang-handa na ang Senado para kay suspended Bamban Mayor Alice Guo at mga kapatid nito sa sandaling sumuko base sa arrest warrant laban dito.

Ipinakita ni Senate Sergeant-at Arms Gen. Roberto Ancan sa mga mamamahayag ang detention room na paglalagakan kay Guo.

Ang nasabing detention room ay mayroong apat na bunk bed na maaaring gamitin ng 8-katao, may air-condioned, water dispenser at sariling palikuran.

Ayon kay Ancan, dating ginamit na day care centers ang nasabing kuwarto na nasa labas na baskeball court sa loob ng Senat building at katabi ng istasyon ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi pa ni Ancan na tinitiyak nito ang kaligtasan ni Guo at mga kapatid nito habang nasa detention room dahil sa bantay-sarado ito ng OSSA personnel maliban pa kung kinakailangan ang tulong ng mga tauhan ng PNP.

“This room was the former day care center and we decided to prepare this for them because they are family and could be together,” sa panayam kay Ancan na sinasabing ang mga unan at kama ay bagong bili.

“We will protect them. I have done this before,” dagdag pa ni Ancan nang usisain hinggil sa sinasabing banta sa buhay ni Guo.

Sa sandaling sumuko aniya si Guo, ay papayagan itong lumabas ng detention room tuwing umaga para makakuha ng sikat ng araw subalit pagbabawalan itong maglakad-lakad.

“”Usually we give them time especially in the morning para maka-avail ng sunlight at iiwasan ko rin ang palakad-lakad sila for security reasons,” ani Ancan.

Leave a comment