Sen. Gatchalian humingi ng tulong sa PNP:P10M death treats kapalit ng pananahimik sa POGO

Ni NOEL ABUEL

Humingi ng tulong si Senate Committee on Ways and Means chairman at Senador Sherwin Gatchalian sa pulisya kaugnay sa kumalat sa social media na pagbabanta sa kanyang buhay sa gitna ng imbestigasyon sa operasyon ng mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa kanyang sulat kay Police Major Paul Benjamin Mandane, sub-station commander ng Pasay City Police Office, ipinaliwanag ni Gatchalian na ipinaalam sa kanya ng kanyang mga staff na mayroong video na kumakalat sa online na naglalaman ng banta sa kanyang buhay.

“I am writing to formally report an incident involving threats made against my life. These treats appear to be a consequence of my active participation in the Senate investigation on the Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) connected to Mayor Alice Guo of Bamban and the Guo family,” bahagi ng sulat ni Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na dahil sa online dissemination ng video ay nagdulot sa kanya ng matinding pangamba sa kanyang seguridad at ng mga tao sa kanyang paligid kasama na ang kanyang pamilya at mga staff.

Hiniling ni Gatchalian kay Mandane na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang banta at hiniling na agad na kumilos upang maagapan ang anumang posibleng aksyon laban sa kanya.

Kasama sa sulat na may petsang July 4, 2024, ang transcript ng video recording kung saan nakadetalye na mayroong tig-limang milyong pisong patong sa ulo sina Gatchalian at Senador Risa Hontiveros.

Ang video ay may titulong Hala! Alice Guo nagbayad ng P10 milyon para ipaligpit si Sen. Risa at Win Gatchalian.

“In light of these serious threats, I formally request that the Pasay City police initiate a police report on this matter and conduct a thorough investigation. I urge you to take swift action to ensure the safety of myself and those associated with me,” ayon kay Gatchalian.

Sa nasabing video, tinukoy si Guo na nagbayad umano sa kanyang mga tauhan ng tig-P5M upang tuluyang patahimikin ang dalawang senador sa pag-iimbestiga sa kaso ng una at sa illegal na POGO sa kanyang lugar sa Bamban, Tarlac maging sa Pampanga.

Leave a comment