Rep. Tiangco sa DICT: Pahusayin ang anti-cybercrime efforts

Ni NOEL ABUEL

Hinamon ng isang kongresista ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na paigtingin ang kanilang anti-cybercrime efforts upang maprotektahan ang digital infrastructure ng bansa at ang datos ng mga Pilipino.

Ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, ang kamakailang pag-atake at data breaches na nakakaapekto sa mga sistema ng gobyerno, gayundin ang mataas na ranggo ng bansa sa global data breach cases, ay senyales ng agarang pangangailangan para sa mas matatag na mga hakbangin ng DICT.

“I urge the Department of Information and Communications Technology (DICT) to conduct a comprehensive review of their existing programs and policies, and aim to identify and address the vulnerabilities that cybercriminals exploit,” sabi pa ni Tiangco, chairman ng House Committee on Information and Communications Technology.

Aniya, ang DICT ay dapat magpatibay ng isang proactive approach na katulad ng kung paano tinutugunan ng mga doktor ang mga may sakit – ang pag-iwas ay susi.

“Bagama’t pinahahalagahan namin ang mga pagsisikap ng ahensya, tulad ng National Computer Emergency Response Team nito at ng National Cybercrime Hub nito, dapat itong dagdagan ng mga hakbang sa pag-iwas laban sa mga cybercrime,” ayon pa dito.

Noong Martes, sinuspende ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga online services nito kasunod ng pag-atake ng ransomware, na nakakagambala sa mga kritikal na serbisyong kailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Bukod pa rito, sa isang ulat ng Surfshark, isang virtual private network provider na nakabase sa Norway, ay niraranggo ang Pilipinas sa ika-29 sa 250 bansa at teritoryo sa mga tuntunin ng data breaches sa ikalawang quarter ng 2024.

Sabi pa ng mambabatas, bagama’t ang pagbaba ng mga insidente ay isang positibong senyales–mula sa 7.7 milyong kaso sa unang quarter ngayong taon hanggang sa mahigit 385,000 sa ikalawang quarter–nananatiling nakakaalarma ang mataas na global ranking.

“As we embrace a digital world, our regulatory policies must adapt to the evolving nature of cybercrimes. Without robust digital infrastructure, Filipinos remain vulnerable to privacy breaches, fraud, and other cybercrimes,” ayon pa kay Tiangco.

“I urge the DICT to develop a comprehensive plan to bolster the protection of digital systems, particularly those providing essential services to Filipinos. We must ensure that every Filipino is safe, even in digital spaces,” dagdag nito.

Leave a comment