Speaker Romualdez nagpasalamat sa mataas na approval at trust ratings

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pasasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa sambayanang Pilipino sa patuloy na pagtaas ng trust at approval ratings nito gaya ng ipinahiwatig ng pinakabagong survey ng Pulse Asia para sa buwan ng Hunyo ngayong taon.

“Ikinagagalak nating malaman na patuloy ang pagtaas ng tiwala ng mamamayang Pilipino sa ating kakayahan bilang pinuno ng Kongreso. These results are a clear affirmation of the diligent work and dedication demonstrated by my colleagues here at House of Representatives,” sa pahayag ni Romualdez.

“Leading this esteemed institution has been an honor, and your continued trust and approval inspires us to strive for excellence in all our endeavors. The welfare of the Filipino people remains our top priority,” ayon pa sa lider ng mahigit 300 kongresista.

Ang pinakahuling survey ng Pulse Asia ay nagpakita ng dalawang puntos na pagtaas sa approval rating ni Romualdez mula 34% noong Marso hanggang 36% noong Hunyo, habang ang kanyang trust rating ay tumaas ng 4 na porsiyento mula 31% noong Marso hanggang 35% nitong Hunyo.

Sa usapin ng trust ratings, nagkakuha si Romualdez ng pinakamataas na approval ratings sa pinakabagong survey sa mga matataas na opisyal ng publiko.

Sinabi ni Romualdez na nananatili itong nakatuon sa pagpapatupad ng mga patakaran, programa at proyekto na magkakaroon ng tunay na positibong epekto sa buhay ng mga Pilipino, kabilang ang walang sawang pagtatrabaho sa pagpapababa ng presyo ng bigas.

“Patuloy nating pagsisikapan na maibaba ang presyo ng bigas at mga pangunahing bilihin. Dadagdagan natin ang pondo ng ayuda para sa mga indigent Filipinos. It is imperative that we support our most vulnerable citizens and provide them with the necessary resources to improve their quality of life,” sabi pa ni Romualdez.

Nangako rin ito na ipagpatuloy ang pagpopondo ng mga programa at proyekto na magpapasigla sa paglago ng ekonomiya upang lumikha ng mas maraming trabaho at pasiglahin ang mga lokal na ekonomiya.

“Mananatili tayong tapat sa ating sinumpaang tungkulin na aalagaan natin ang bawat pamilyang Pilipino. Itutulak natin ang pagkakaisa sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na isulong ang interes ng mamamayan,” saad pa nito.

“The trust you have placed in us drives us to work even harder to meet your needs and aspirations. We are determined to deliver on our promises and to ensure that our policies translate into tangible benefits for every Filipino,” dagdag ni Romualdez.

Leave a comment