Marami pang natutuklasan sa pagsusuri sa New Senate Building– Sen. Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Ibinunyag ni Senador Alan Peter Cayetano na marami pang mga kuwestiyonableng bagay ang kanyang nakikita sa patuloy na pagsusuri sa tumataas na halaga ng New Senate Building (NSB).

“The P25-27 billion projected cost of NSB could be a little bit conservative pa pala,” wika ni Cayetano sa pahayag nito sa mga mamamahayag.

Sinabi nito na ang Senate Committee on Accounts na kanyang pinamumunuan ay nakatanggap ng maraming dagdag na dokumento mula sa mga kinauukulan na kanilang masusing sinusuri.

“Developing ‘yung story. This week kasi I found out na maraming tinatago sa atin. Kung sino ang nagtatago at bakit tinatago, I haven’t gotten to that yet but we finally received caches na halos half room full of documents and we’re getting through it,” aniya.

Isa sa mga isyu na itinuro ni Cayetano ay ang facade ng gusali na may unang halaga na P1 bilyon na binaba sa P498 million.

“Tapos ngayon lumalabas na P2.9 billion na at may isa pang design. Malabo ‘yung ganu’n. Paano tayo matatapos?” sabi nito.

Dahil dito, umapela si Cayetano kay Senador Nancy Binay, at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang project manager ng NSB, at sa Senate Coordinating Team (SCT) na maging tapat tungkol sa proyekto para mapabilis ang paggawa ng desisyon.

“For as long as ‘wag lang maapektuhan ‘yung resulta nu’ng review, ‘yung ibig sabihin secondary ‘yung relationship namin, secondary ‘yung if I can use the word tampuhan, as I said, I’m not perfect I apologize to the public. Because of that God works in mysterious ways, maraming lumabas. Marami kaming nakita ngayon,” pahayag ni Cayetano.

“Tell the whole truth. What we’re doing is the review. If they came forward and gave us everything, we would have decisions by now. They are not being forthright. That’s not good kasi nga hindi natin ma-evaluate nang mabuti ang NSB,” ayon pa sa senador.

Ayon kay Cayetano, ang kanyang komite ay naglalayon na makumpleto ang mahahalagang desisyon tungkol sa proyekto sa susunod na buwan upang maiwasan ang karagdagang pagkaantala na maaaring magpamahal sa gusali.

“We want to do the technical decisions all within the month of August para walang further delays or every few months inflation na naman at tataas na naman ang cost niyan,” wika niya.

Aniya, mananatili itong nakatutok sa pagsusuri ng NSB sa kabila ng ethics complaint na inihain laban sa kanya ni Binay.

Noong July 17, inihayag ni Senate Committee on Ethics and Privileges chair Francis “Tol” Tolentino na ito ay susubukang lutasin sa pamamagitan ng “conciliation process.”

“I will not be distracted by Senator Nancy or the Ethics Committee. It’s a good idea na magka-conciliation but in this case kasi this is all about the Senate Building, the delays, and the costs,” ayon dito.

Sinabi rin ni Cayetano na mananatili itong nakatuon sa paghahanap ng mga solusyon upang mapababa ang gastos ng proyekto habang pinapanatili ang orihinal nitong disenyo sa isang makatwirang halaga.

“Marami kasing lumabas at marami kaming nakita ngayon sa review. It’s coming out to be the most expensive building in the country so far and we will still try to remedy that,” saad pa nito.

Leave a comment