Barangay Health Workers, Nutrition Scholars dapat kilalanin– Sen. Tolentino

Si Senate Majority Leader Francis Tolentino habang nagbibigay ng pagkilala sa mga health care workers.

Ni NOEL ABUEL

Kinilala ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang hirap at sakripisyo ng mga ‘unsung heroes’ ng healthcare sectors na mga Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNS).

Sa kanyang pagsasalita sa isang pagtitipon sa Silang na nasa humigit-kumulang 4,000 BHWs at BNS mula sa buong lalawigan ng Cavite, sinabi ni Tolentino na hindi aniya nakaligtas ang bansa sa pandemya ng COVID-19, kung hindi dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga community health volunteers.

“Every day, our BHWs and BNS are at the forefront of delivering basic health services. On the ground, you are our Department of Health, especially at the height of the COVID-19 pandemic,” sa pahayag ng senador.

Bilang mayorya na pinuno ng Upper Chamber, nangako si Tolentino na magtatrabaho para maipasa ang panukalang Magna Carta ng Barangay Health Workers.

Sinabi rin ni Tolentino na maaaring panahon na para palitan ang pangalan ng Barangay Nutrition Scholars bilang ‘Barangay Nutrition Officers.’

Ito aniya ay bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa pagsubaybay at pagtiyak ng mga pangangailangan sa nutrisyon ng komunidad, lalo na ang mga mahihinang sektor tulad ng mga ina at maliliit na bata.

“When we say ‘scholars,’ we usually refer to students who are recipients of scholarships. It connotes something that is temporary. But we know that being a BNS means embracing a lifelong devotion. And so they deserve to be called Barangay Nutrition Officers – with due recognition of the service they render to our communities,” paliwanag pa nito.

Leave a comment