
Ni NOEL ABUEL
Nanindigan si Senador Francis “Chiz” Escudero na mananatiling matatag ang Senado sa pagtatanggol sa kalayaan at soberenya ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa ikatlo at pinal na regular session ng 19th Congress, binigyan-diin ni Escudero ang walang patid na pangako sa pagprotekta sa pambansang interes.
“Make no mistake about it, this Senate is unanimous and unbending in defending our country’s independence and sovereignty,” sabi ni Escudero.
“Tayo’y makikipagkaibigan pero hindi tayo pasisiil. Tayo’y makikipag-usap, pero hindi tayo magpapaapi,” dagdag nito.
Sinabi pa ni Escudero na uunahin ng Senado ang pagpasa ng mga batas kabilang ang Maritime Zone and Sea Lanes Act, na naglalayong palakasin ang territorial claims ng Pilipinas.
Ang panukalang ito ay naaprubahan na sa bicameral conference committee at ngayo’y naghihintay na lang ng lagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Idinagdag din nito ang kahalagahan ng pagpapalakas ng militar para matiyak ang kapayaan at hindi para magdulot ng hidwaan.
“We will strengthen our military, not to ignite any conflict, but in order to secure the peace,” ayon pa kay Escudero.
Nanindigan din ang Senate President ang pangangailangan para sa mapayapang hakbang upang maprotektahan ang mga Filipino sa paglayag at makapangisda sa kanilang sariling karagatan.
“We will take peaceful measures to defend our people’s right to sail in our seas and fish in our waters—as what our ancestors had done, and what our children shall do,” aniya pa.
Iginiit pa ni Escudero ang importansiya ng diplomasya at pagpapanatili ng matibay na ugnayan sa mga karatig bansa, kasabay sabing ang mga kasalukuyang salungatan ay pansamantala lamang sa konteksto ng pangmatagalang regional friendship.
“Indeed, we must work towards bridging these troubled waters,” pakiusap pa ni Escudero.
“I am confident that we shall overcome whatever disagreements we may have with any of our neighbors, given our centuries-old amicable relations with them, where this point in time in our current history, to me, is a mere speck,” dagdag pa nito.
