
Ni NOEL ABUEL
Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ipagpapatuloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang tagumpay ng kasalukuyang administrasyon sa mga programa sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.
Ang Senado at ang Kamara ay magko-convine bilang joint session sa Batasan Complex sa Quezon City habang ang Pangulo ay humaharap hindi lamang sa buong bansa kundi sa iba pang bahagi ng mundo tungkol sa mga nagawa ng kanyang administrasyon gayundin sa kanyang mga plano para sa mga darating na taon.
“I expect the President to emphasize the importance of unity among all Filipinos, highlighting how collective efforts can lead to national progress. Furthermore, I anticipate a focus on the continued and immediate delivery of essential social services to ensure that the needs of the people are met promptly and effectively,” sabi ni Romualdez.
“We’re also looking forward to another year of follow-up on the successes and further build-ups on what we still have to continue in many programs of the Marcos administration, specifically ones that cover social amelioration benefits,” dagdag nito.
Nauna nang sinabi ni Romualdez na nakahanda ang Kamara na tumanggap at kumilos sa legislative agenda na ibabalangkas ni Pangulong Marcos Jr. sa darating na SONA, kabilang ang mga patakarang isasama nito sa 2025 national budget.
“The President is expected to propose new laws aimed at simplifying and improving the daily lives of our citizens, addressing issues such as economic development, healthcare, education and infrastructure,” ayon pa kay Romualdez.
“These initiatives will be crucial in driving our country forward and enhancing the overall quality of life for all Filipinos,” aniya pa.
Ang 3rd SONA ni Pangulong Marcos ay magsisilbi rin bilang pagbubukas ng ikatlo at huling regular na sesyon ng 19th Congress.
Nagbigay rin ng pinakamataas na marka si Romualdez sa pagganap ni Pangulong Marcos Jr. sa mga nakaraang taon, na nagsabing ito ay nagpakita ng malakas na pamumuno at gumawa ng mga makabuluhang hakbang sa pagtupad sa kanyang mga pangako mula sa nakaraang SONA.
“His dedication and achievements are truly noteworthy,” aniya.
Sinabi ng mambabatas mula sa Leyte na ang Kamara ay gumanap nang higit sa inaasahan dahil inaprubahan nito ang lahat ng 17 priority measures na binanggit ng Pangulo sa kanyang huling SONA.
Lima sa mga prayoridad na hakbang na ito ang naisabatas bilang batas, ito ay, ang LGU Income Classification (RA 11964), ang Ease of Paying Taxes Act (RA 11976), at ang Tatak Pinoy Law (RA 11981).
Gayundin ang dalawa pang mahalagang panukala, ang New Government Procurement Reform Act at ang Anti-Financial Accounts Scamming Act, na nilagdaan ng Pangulo.
Gayundin, nangako si Romualdez na uunahin aag-aprubahan ng Kongreso ang P6.352-trillion 2025 national budget at ang natitirang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority bills.
