BARMM officials nagpasaklolo kay Senate Pres. Escudero

Ni NOEL ABUEL

Nagpasaklolo ang ilang kongresista at mga lokal na pamahalaan mula sa Bangsamoro Autonomous in Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na humihiling na suportahan ang panawagan ng mga ito ng magkaroon na ng eleksyon.

Kabilang sa mga lokal na opisyales ng BARMM sina Gov. Sakur Tan, Sec. Suharto Manguddatu, Gov. Mariam Mangudadatu, Gov. Mamintal Adiong, Rep. Mujiv Hataman, Rep. Munir Arbison, Rep. Zia Adiong, Rep. Mohammed Paglas. Rep. Yab, at Rep. Sittie Dimple Mastura.

Gayundin sina Mayor Jimmy Pansar, Elected Vice Gov. Bai Ainne Sinsuat, Mayor Datu Tocao Mastura, Mayor Datu Lester Sinsuat, Vice Mayor Shamen Mastura, dating Rep. Ronnie Sinsuat, Mayor Hanie Bud, MP Ali Sangki, Vice Gov. Nathaniel Midtimbang, Mayor Rasden Pendatun Ali, Vice Mayor Adnan Biruar at Board Member Mashur Biruar.

Sinabi ni Gov. Tan na dapat nang matigil ang pagpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang opisyales ng BARRM na 6-taon nang nakaupo sa posisyon.

Giit ni Tan, nagdesisyon ang mga ito na magsama-sama upang ipanawagan na magkaroon na ng eleksyon sa BARRM sa 2015 elections base na rin sa kahilingan ng mga kababayan ng mga ito na humihiling na dapat ay halal na opisyal ang maupo.

Sinabi naman ni Escudero na dapat na halal ng taumbayan ang mga uupo sa posisyon sa BARMM upang magkaroon ng pananagutan sa batas tulad na lamang kung may naabusong pondo na maaaring makasuhan ng paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices.

Ngunit sinabi ni Escudero na ang paghingi ng tulong ng mga nasabing opisyales ay hindi awtomatikong ineedorso nito ang posisyon ng mga ito dahil sa hindi naman aniya ito rehistradong botante sa BARMM.

Leave a comment