
Ni NOEL ABUEL
Pormal nang nanumpa si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP).
Ayon sa partido nitong Miyerkules, matapos maging executive vice president at acting president ng PDP, papalitan ng Padilla si Palawan Second District Rep. Jose Chaves Alvarez, na bumitiw sa puwesto kamakailan.
“As the new PDP president, Sen. Padilla will continue to consolidate the party membership and prepare for the 2025 mid-term elections which Rep Alvarez started,” ayon sa partido.
“We are confident that under Sen Padilla’s leadership, the party is in good hands and will continue to be a major force for reform and development in the country,” dagdag nito.
Pinasalamatan ng PDP si Alvarez sa kanyang pamumuno sa nakaraang 20 buwan.
Ayon sa partido, pinalakas nito ang partido para matutukan ang pagsulong ng reporma sa bayan.
Sa Senado, isinusulong ni Padilla ang reporma sa Saligang Batas, katahimikan at kapayapaan at pagsugpo sa iligal na droga, at paggiit sa soberanya ng bansa, at ang karapatan ng Muslim Filipinos.
