Speaker Romualdez, Tingog naglunsad ng relief ops sa mga naapektuhan ng bagyong Carina

Ni NOEL ABUEL

Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Carina at ng hanging Habagat na nagdulot ng pinsala sa Metro Manila gayundin sa Hilaga at Gitnang Luzon, agad na nagsagawa ng relief operations ang Offices of House Speaker at Tingog party list para sa libu-libong biktima ng baha.

Sinimulan ang pagtulong ng Kamara sa mga sa residente ng Marikina City na higit na tinamaan ng pagbaha.

Sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at mga kinatawan na sina Tingog party list Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ang nanguna sa mga relief operations at nagbigay ng paunang 20,000 food packs mula sa Disaster Relief Funds ng Speaker upang tulungan at suportahan ang mga apektadong komunidad, pagpapakilos ng mga mapagkukunan at tauhan upang matiyak na ang agarang tulong ay nakarating sa mga nangangailangan.

“The government, under the leadership of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., has shown its commitment and dedication to responding to the needs of the people during this calamity,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na bumisita pa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang subaybayan ang mga lugar na apektado ng bagyong Carina at makipag-ugnayan sa mga pagsisikap na makapagbigay ng napapanahon at epektibong tulong.

“The President’s hands-on approach highlights the administration’s commitment to disaster response and resilience, ensuring that no Filipino is left behind in times of crisis,” aniya pa.

Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada, ang relief efforts ay nakapaghanda ng kabuuang 20,000 relief food packs na naglalaman ng 3 kilo ng bigas, mga de-latang paninda, kape at iba pang gamit.

“We have been preparing an initial 20,000 relief food packs. We started preparing since Saturday per the instruction of Speaker Romualdez. These are under the Disaster Relief Funds of the Speaker,” ayon kay Gabonada.

“We are currently doing delivery in different areas in Metro Manila, particularly in Quezon City, Manila and Marikina. We are sourcing out also food packs directly from the source like grocery stores near the affected areas to cut delivery time and for quicker response to the needs of the affected communities,” dagdag nito.

Sinabi naman ni Acidre na ang Office of the Speaker at Tingog party list ay naglagay ng Tingog Mobile Kitchen at nagkaloob ng hot meals at maiinom na malinis na tubig sa 1,600 residente sa Malanday Elementary School sa Marikina na naapektuhan ng pagbaha.

“Tuluy-tuloy po ang luto. From 1,600 hot meals, we are eyeing 5,000 hot meals,” ni Acidre.

Sinabi naman ni Rep. Yedda Romualdez na ang kanilang mga relief operations ay idinisenyo upang umakma sa mga hakbangin na isinagawa ng pambansang pamahalaan.

“The focus is on addressing both immediate needs and long-term recovery, with particular attention given to vulnerable populations who have been most affected by the heavy rains and flooding,” sabi nito.

“Our teams have been and will be deployed to the hardest-hit areas to deliver aid. Hindi pa lang kami makapasok sa mga apektadong lugar kasi hindi pa humihinto ang malakas na ulan pero gagawin namin ito pag pwede na,” aniya pa.

Leave a comment