

Ni NERIO AGUAS
Hindi umubra sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang sindikato ng human trafficking na nagtangkang magpalusot ng dalawang Pinay habang bumabagyo.
Ayon sa immigration protection and border enforcement section (I-PROBES), nasagip ang di pinangalang 23-anyos na Pinay na bago pa makaalis ng bansa patungong China sa Mactan International Airport (MCIA) noong Hulyo 23.
Nabatid na ang biktima ay nagsabing tutungo sa China sakay ng China Eastern Airlines flight upang bisitahin umano ang asawa nitong Chinese.
Nagpakita ito ng tunay na Philippine Statistics Agency (PSA) marriage certificate at civil registrar’s certificate, na sinasabing ikinasal Ang mga ito noong Marso 2024 at sertipikasyon ng Commission on Overseas (CFO) Guidance and Counseling Program.
Gayunpaman, pinagdudahan ng mga BI officers ang kanyang mga pahayag na maraming hindi pagkakapare-pareho sa pahayag at ng mga dokumentong ipinakita nito.
Hindi rin maipaliwanag ng biktima ang detalye ng pagpapakasal nito sa sinasabing Chinese national.
Nang maglaon, inamin ng biktima na walang aktwal na kasal, at nakumpirma ng BI officers na peke ang ipinakitang sertipiko ng CFO at ang lahat ng mga dokumentong ipinakita ay inayos ng umano ng asawang Tsino sa pamamagitan ng isang ahente.
Samantala, naharang din ng BI officers sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Hulyo 24 another ang isa pang 20-anyos na Pinay na pinaghihinalaang biktima ng mail order bride Kasama ang Chinese escort nito.
Tinangka ng Chinese national ang pananalasa ng bagyong Carina para isagawa ang pagtatangka sa Pinay na makasakay sa Xiamen air flight patungong Chengdu, China.
Nagpakita rin ito ng genuine PSA marriage certificate at larawan na nagpakasal ang mga ito.
Gayunpaman, inamin ng biktima na ang isang fixer ang nag-ayos ng lahat ng kanilang mga dokumento at nagbayad ng P45,000.
